Sunday, February 22, 2009

Mabuhay!

Salamat sa iyong pagbisita, kaibigan. Sisimulan ko ang ka-blog na ito upang maitala ang aking buhay at maibahagi ang aking kwento.

Naisip ko lang, paano kaya naimbento ang Mabuhay! bilang pagbati? Kung sabagay, alangan naman Mamatay! Hinango kaya ito mula sa Ingles na Long Live!? Bakit hindi naging Mahabang Buhay! kung ganun?

O siya, iiklian ko muna ang aking unang lathala. Mabuhay kayo, aking mga bisita! At mamatay naman ang mga kurakot na pulitiko! Tabi-tabi po, ang tamaan hindi umilag.

Hanggang sa muli.

No comments:

Post a Comment