Hey, dude! How are you? Do you still remember Celeste? They say she's pregnant! Too bad you didn't win her heart, you would have been the dad! Tell me again why she didn't say 'yes'? Oh, I may have some idea... Why on earth did you bring her a sack of rice when you were still courting her?!? Roses would have been nice. Chocolates would've been fine. But a sack of rice? Totally uncool, dude! One more thing, you offered to give her a foot massage??? What the @$!?!? You freaked her out dude. She thought you were some kind of foot fetish or somethin'. Were you intentionally trying to scare her away? Anyway, stay cool dude. Hope you've come up with better ways to court girls. Just thought you wanted to find out the news about Celeste.
Ito talagang si Ronaldo, magbibigay na lang ng balita, may kasama pang pang-asar. Pero mabait na kaibigan iyan, laki sa ibang bansa kaya hindi masyadong magaling mag-Tagalog. Parang bakla iyan pag nagta-Tagalog.
Hay, kung maari sana ayaw ko na din alalahanin iyang si Celeste. Bahala na siya sa buhay niya.
Kung ligawan lang ang pag-uusapan, siyempre si Neng ang una kong niligawan. Tulad ng aking nabanggit, si Neng ay nakatira sa tapat lamang ng mas malaking bahay. Maganda si Neng. Ang tatay niya nama'y mukhang kontrabida sa pelikula. Si Don Manalo naman, ang kanilang amo, ay makisig at matipuno — parang bida. Mukha nga lang pilyo sa mga bibe. Minsan, naisip ko nga, baka naman ang totoong ama ni Neng ay... Wag ko na nga lang ituloy, mabasa pa ito ni Neng balang araw.
Uhugin kami nung bata ngunit lagi kaming magkasama ni Neng. Naglalaro kami ng tumbang-preso, siyato, patintero, taguan, habulan, bahay-bahayan, at kung anu-ano pa. Umaakyat kami sa mga puno ng alateris, mangga, santol, bayabas, kaimito at ang marupok na sinigwelas. Kung hindi kami magkasama ay gumagawa ako ng paraan para magkita kami. Isang halimbawa na ang paghiram ko ng libro. Kapag iniisip ko iyan ngayon ay kinikilabutan ako sa kabaduyan ko sapagkat halata naman na hindi ko talaga kailangan ang mga aklat na iyon.
Habang tumatanda ay gumaganda itong si Neng at siyempre, lalo naman akong nabibighani sa kaniya. Palagay ko, una kong naramdaman na may gusto ako sa kaniya nuong kinulong kami ng nakababata niyang kapatid na si Tom sa silid-lalagyan ng mga gamit ng hardinero. Nakakainis nga lang at hindi ata marunong matakot si Neng. Hindi man lamang nagpayakap! Siya pa ang nakagawa ng paraan para makalabas kami. Kainis talaga!
Bakit ko ba nasabing parang kontra-bida itong ama niya na si Mang Andok? (Pero bago iyan, ang tawag ko sa kaniya ay Mang Dok. Hindi iyan dahil manggamot siya kundi dahil dokleng siya.) Paano ba naman, wala na yata akong ginawang tama para sa kaniya mula nung magsimula akong manligaw kay Neng.
"Hijo, Intsik ka ba? May dala ka bang siopao? Bakit tanghaling-tapat ay dumadalaw ka sa anak ko?"
Gusto ko sanang sagutin kaya lang hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. "Eh ano naman kung Intsik ako?" Pero hindi naman talaga ako Intsik. At bakit, masama bang bumisita ng tanghali?
"O hijo, ang aga mo ah. Tutulong ka ba sa pagsasaka?"
"Ay, hindi naman po. Naisip ko lang, may kasabihan po, 'Ang maagang manok, nahuhuli ang maagang bulate.'
"Bakit, bulate ba ang anak ko?"
Sasagutin ko din sana, "Hindi po, kayo po mukhang butete sa laki ng tiyan niyo."
Puputulin ko muna ang aking kwento dito. Kailangan ko nang maligo at pumasok. Hanggang sa muli.
Hehehe, ang kulet
ReplyDelete